Dear Diary

May personal journal ako. Personal journal na araw-araw kong sinusulatan, kung ano nangyari that day, ung feelings ko, lahat, dun ko nilalagay. Kung ano ang ginawa ko sa trabaho, date night with Robert o kahit ung nasa apartment lang kami at nanood ng HGTV. Dino-document ko lahat or at least I try to.

Since 2000, may journal na ako. 4th year Highschool ako nung nagstart akong magsulat sa diary. Nakakainis pa nga kasi nawala ung pinakauna kong diary. Nawala sa loob ng classroom. Naalala ko pa, as in nabroadcast un sa buong klase kaya pati mga kaklase ko, aware na nawawala ang journal ko. In the end, hindi ko na ito nahanap o nakita pa.

College nung nagstart akong magblog at dito na din nagsimula ung pagiipon ko ng diary/planner/journal. Mahilig akong magsulat e. Lahat ng feelings ko, sinusulat ko. Nahilig din akong magsulat ng tula that time. Ang dami kong feelings. Ang dami kong gustong isulat. Mapa-tungkol sa school, friends, lalo na tungkol sa pag-ibig. Documented lahat. Kaya pati mga kapatid ko gustong basahin ung diary ko. Yup, ginawa nila un. Nilock nila ung pinto ng kwarto namin para lang basahin ung mga nakasulat sa diary.

16 years later, may diary pa din ako. At naitago ko lahat ng journal ko. So kung mamamatay man ako, may material na para gawing pelikula ang life story ko. From 2000 to present, college days hanggang sa magasawa ako. Ang daming memories, both good and bad ang nasa pahina ng aking diary.

Hindi na ko nakakapagsulat masyado. Nung binuksan ko ung diary ko over the weekend, halos 1 week din pala akong hindi nakapagsulat. It’s either super busy ako, o super busy ako. Dumadaan ang araw na hindi ko namamalayan, hindi pala ako nakapagsulat. Hindi lang dito sa blog ako walang oras, pati na din sa personal journal ko. May araw pa nga na naiisip ko, kailangan ko pa bang magjournal? Kailangan ko pa bang i-document ang buhay ko? Eh kitang, work, apartment, Robert, aso lang naman ang buhay ko ngayon. Same thing happening everyday. Bakit kailangan ko pang magsulat?

Kasi gusto ko. Kasi kahit paulit-ulit lang ang nangyayari sa buhay ko, gusto ko pa din ung may quiet time ako para sa sarili ko. At un ung purpose ng pagsusulat ko sa journal ko. At the end of the day, magrereflect sa kung ano ang nangyari sa buong araw, kung ano ang nararadaman ko, at magpapasalamat sa panibagong araw na nabigyan ako ng chance na isulat.

I’m 31 right now. I’ve been writing on journals since I was 15. Malamang hanggang sa tumanda ako, may journal pa din akong dala-dala at gagamit.