The not so good week

IMG_1840Grabe. Medyo hindi ok ngayong linggo. Alam mo ung pakiramdam na may nakipagbreak sa’yo. Tipong, pinagkatiwalaan mo ung tao tapos sa isang iglap, mawawalan ng silbi ung lahat ng efforts mo. Iiwan ka na lang nya ng ganun na lang, ni walang pasabi o kung may nasabi man e walang iba kundi “Bye. Dyan ka na.” Walang reason, wala kang chance para ipaliwanag ung side mo.

Ang hirap diba. Ang hirap sa pakiramdam.

Pero ganyan ung nangyari ngayong linggo. Walang nakipagbreak sa akin pero parang ganun na din ung pakiramdam ko matapos kong malaman na magbabago ung role ko sa trabaho. Kung ano man ung ginagawa ko o ginawa ko sa loob ng anim na buwan, walang saysay lahat ng iyon. Unfair. Hindi rason na nakakaramdam ng pressure ung management kaya nagpower trip sila. Ganyan ang pakiramdam ko. Pagod na akong umiyak sa trabaho. Para akong kinawawa na ewan. Napakanegative ng vibe sa trabaho ngayon. Hindi nakakatuwa.

Ngayon, Biyernes, sa wakas nakapahinga na ako sa pagiyak. Siguro kasi nasa bahay lang ako at hindi nakikipagusap sa ibang tao. Kahit gloomy sa labas e binuksan ko pa din ung bintana. Iba pa din ung nakakakita ka ng ibang tanawin at hindi lang computer ang lagi kong kaharap. Hay, bakit nga ba ganito ang buhay ano? Napakaunpredictable. Dapat handa ka sa pwedeng mangyari, mabuti man o masama.

Sabi ng asawa ko, look for the positive from what’s happening. May point naman sya na at least may trabaho pa din ako at pwedeng-pwede naman akong maghanap ng bagon trabaho kung ayaw ko na talaga sa trabaho ko ngayon. Pero sana ganun kadali ang maghanap ng trabaho. Nakakastress kaya. Ayoko na ng ganitong pakiramdam ulit — nasa limbo ako. Hindi masaya. Pero eto na e, eto ung binigay sa akin at dahil sawa na akong umiyak at maawa sa sarili ko, kebs na lang. At least may trabaho pa din.

Hay. Ewan. Pasalamat na lang na 3-day weekend. Dahil tatlong araw akong hindi mamomoroblema na tungkol sa trabaho. Next week na lang ako ulit masstress.

Pahinga na muna ngayon.