Story of My Life

0711_HeartCriesDuringaMovie

Image Credits to: TheAwkwardYeti

Iyakin akong bata. Walang pinagbago kahit na 31 years old na ako. Mapa-movie, tv show o kahit libro, basta kapag ung topic e tungkol sa pamilya o pag-ibig, automatic na yan, maiiyak ako. Kahit animated movies e iniiyakan ko. Oo, tama ang basa mo, pati cartoons e naiiyak ako. Halos lahat ata ng Pixar movies e naiyak ako. Ibang klase lang diba?

Kaya naman nung nakita ko ung latest post ng TheAwkwardYeti, super nakarelate ako. Nagdadahilan pa na may dumi sa mata kaya naiyak, eh kitang dahil naman ito sa palabas. Sanay na din ang asawa ko sa akin. Alam na nya kung saang eksena ako maiiyak. Titingnan na nya ako kaagad at papansinin kung umiiyak na ba ako. Hay, iyakin talaga si Mimay.

I just call it like I see it.

Tama nga naman. Masyado lang talaga kong emosyonal siguro. Well, di naman na ata mawawala sa akin un. Ok lang din namang umiyak. Saka matagal ko na din namang niyakap ang pagiging iyakin ko, hehe.