Habambuhay

Hawak ko ang iyong kamay habang tinatanong mo ako kung kamusta ang araw ko. Ang kadalasang sagot ko ay ‘Ayos lang naman’ sabay dugtong ng kung ano man ang ginawa ko ng araw na iyon. Tapos ay ikaw naman ang magkukwento. Araw-araw, ganito tayong dalawa. Walang sawang naguusap tungkol sa kung anu-ano. Mapa-tungkol sa trabaho, napanood sa TV o kaya nabasa online. Lahat binabahagi, walang sikreto sa ating dalawa.

Minsan, tinanong kita kung gagawin ba natin to habambuhay. Kung ok lang sa’yo ang makinig sa lahat ng kwento ko, mapa-good news man o bad. Sabi mo ay oo. Forever tayong dalawa.

Ngayo’y tinititigan kita habang masaya kang nagkukwento tungkol sa isang stand up comedy na napanood mo. Kita ko ang pagkaaliw mo. Hindi ko na din mapigilang mapangiti. Una, dahil nakakatawa nga naman ung stand up comedy. Pangalaw, masaya akong makita kang masaya. Masaya ako na binabahagi mo ang buhay mo sa akin.

R: Oh, I changed your name on my phone to ‘Wife’.

M: Awww, I have your name as Hubby on my phone.

R: I love you Wifey.

Hindi ko inaasahan yan. Super kinilig ako nung sinabi mo sa akin yan. Parang ang babaw lang kumpara sa araw-araw na pagpaparamdam mo ng pagmamahal sa akin. Pero ewan ko ba, para akong teenager na kinilig. Nakakatuwa.

Matutulog na tayong dalawa. Ikaw ung huli kong kausap bago matulog at syang gigising sa akin bukas. Hay, eto ba ang gagawin ko habambuhay? Hay. 🙂

One thought on “Habambuhay

Comments are closed.