@mrscfp

Madalas kong i-Google ang pangalan ko noon. Lalo na nung active blogger pa ako. Curious kasi ako kung ano ba ang lumalabas na result kapag sinearch ang pangalan ko. Usually, ang results e mga blog entries, tweets o kaya ung mga online accounts ko. Nung nagsimula akong magblog, hindi ko ginamit ang tunay kong pangalan. May ganyan sa online world e, may penname kumbaga. Para kahit na ano ang i-post mo online, ung online name mo ung searchable at hindi ung tunay mong pangalan.

@karmimay. Yan ang gamit kong pangalan noong single pa ako. Ilang taon din na yan ang gamit ko, hanggang sa naging @mimay na lang. Syempre, nung naging Mrs. na ako, gusto kong gamitin ung pangalan ko. Kaya naging @carmefpena na ako sa buong WWW. Lahat ng online accounts ko, yan ang ginamit kong username. Kahit nga sa Pokemon Go, yan din ang username ko.

Sinubukan kong i-Google ung pangalan ko, para malaman kung ano ung lalabas. Well. Ayun, lumabas lahat. Ewan ko ba, medyo natakot ako na isang search lang ng full name ko e malalaman na ng lahat ung life story ko. I know, I know, ako naman din ang may kasalanan dahil ako tong ang daming sineshare diba? Pero natakot pa din ako. Dito na nagsimula ung pagiisip ko ng bagong online name.

Grabe. Napakahirap. CFP sana dahil yan na ung initials ko, pero super iksi naman daw sabi ni Twitter. Ang dami ko pang naisip na variations gamit ung pangalan ko, pero sawi. Hanggang sa nung isang araw, sinubukan ko ulit ilagay ung CFP. Tapos, eureka! Eh kung lagyan ko na lang kaya ng Mrs. sa harap. Nakaopen ung Twitter account ko, sinubukang palitan ang pangalan tapos ayun, available! Dali-dali kong pinalitan na din ung IG account ko, saka Facebook. Gusto ko kasi na iisang username lang ung gamit ko sa mga online account ko. Ayun, pumwede naman sa lahat.

So from now on, I am known as @mrscfp. I like it, feeling ko kasi ayan, naka-catch up na ung online presence ko sa nangyayari sa personal kong buhay. Isa na akong Mrs. kaya why not i-embrace ito. Kahit itong blog, nagkaroon na din ako ng tagline.

Stories About Becoming a Mrs. and Other Musings That I Want to Share To The World

Oh diba. Ganern. Parang rebirth ganyan. Ang happy ko lang. Yay!