Soundtrip

Natuwa ako na may Pinoy playlists ang Spotify Philippines dahil medyo namiss ko din makinig ng OPM. Sa trabaho ko kasi ngayon, hindi na ako masyadong nakakapagsoundtrip habang nasa desk ko. Madalas kasi na may buong araw ay meetings, buong araw may kausap. Bibihira ung matitigil ako sa office ko, madalas e nasa conference room ako. Pero iba ngayong araw. Wala akong meeting. Walang istorbo, pwedeng pwede na magsoundtrip.

Sa dami ng playlists na available, ang napili ko e ung OPM Favorites. Naisip ko, malamang medyo alam ko pa ung mga kanta sa playlist na ito, pwedeng maki-sing along.

After 2 hours, tumigil ako sa pakikinig. Nagiba ang mood ko. Bigla akong nalungkot. Ang bigat sa pakiramdam matapos kong pakinggan sina Nina, Jericho Rosales, Moonstar88 at Sarah Geronimo, to name a few.

Iba talaga ang epekto ng kanta. Ung tatlong minuto, dadalhin ka kung saan-saan. Kahit na dun sa lugar na pilit mong ibinaon sa limot. Your Love, may nagrevive na pala nyan. Kahit revival na, kahit babae na ang boses, ganun pa din ung epekto sa akin. Nakakainis. Nakakalungkot. Ngayon ko lang narealize, napakalungkot ng OPM. May masasaya naman pero ung mga super sikat, pare-pareho lang ng tema. Pusong umasa at nasaktan. Pusong nagbigay ng 2nd chance. Pusong nakalimot pero hindi tuluyan. Pusong patuloy na nagmamahal.

Pwede ding ako lang ang nagpapalungkot sa sarili ko na hindi naman na dapat apektado. Hay. Ang hirap sa pakiramdam. Parang ayoko na tuloy makinig ng OPM. Mga next time na lang siguro.

3 thoughts on “Soundtrip

Comments are closed.