Babay Online World?

Walang Facebook ang asawa ko. Wala din syang Instagram o kaya Snapchat. May Twitter account sya, pero 2014 pa ung last update nya. Sa tuwing gusto kong ilagay sa Facebook kung nasaan ako, hindi ko magawa. Wala naman kasi akong ita-tag. Medyo loner naman kung ilalagay ko pa din ung location ko, tas magisa lang ako sa tingin ng mga friends ko. Kaya naman, hindi ko na nilalagay na nagpunta kami sa Monkey’s Nest nung isang araw kung saan napakasarap ng Oreo Cheesecake nila.

Dahil walang social media accounts ang asawa ko, lagi nyang sinasabi sa akin na i-delete ko na din ung account ko. May mga araw na napapaisip ako. Oo nga, pwedeng-pwede ko namang i-delete ung social media accounts ko. Hindi naman na din ako masyadong nagpopost e. Lalo na itong blog ko. Ni hindi na nga ako nagboblog. Pero ano nga ba ang pumipigil sa akin?

Super ginagamit ko kasi ung Facebook Messenger. To be honest, yun talaga ung reason kung bakit pa ako may Facebook. Kasi nakakausap ko ang pamilya at mga kaibigan ko. So no, hindi pwedeng burahin ang Facebook. Eh Twitter at Instagram, pwede namang i-delete diba? Yeah, I guess. Pwedeng-pwede nga. Pero ewan.

Para sa akin na halos 16 years nang namamalagi sa online world, isang napakalaking pagbabago nito. Dumating na din ung panahon na napaparanoid ako sa tuwing shinesearch ko ung pangalan ko. Kung ano ba ung lumalabas sa Google. May part sa akin na gusto nang mawala lahat ng trace ko dito online. Pero may part din naman sa akin na kinukwestyon ung decision ko. Wala namang masama kung nagpopost ako diba? Gusto ko lang naman i-share ang buhay ko.

Panghihinayang. Panghihinayang na mawala na lahat ng ala-ala ko. Ewan. Ang labo ko lang.

Eto sigurong blog. Hindi ko alam kung ime-maintain ko pa. Pero naman kasi ung pangalan. Sayang.

Again, panghihinayang.

Update:

So, dinelete ko na ung Instagram, Twitter at Snapchat accounts ko. Yep, that happened.

One thought on “Babay Online World?

Comments are closed.