Sagala

Nung bata pa ako, lagi akong kasali sa mga sagala. As in every summer, sa tuwing pupunta kami sa hometown ng tatay ko sa Quezon, kasali ako saka ung mga pinsan ko. Hindi ko alam kung paano nila pinipili ang magiging sagala at Reyna Elena, pero ayun, walang palya, laging kasama ang angkan namin.

Hindi ko na maalala kung ilang taon ako naging sagala. 7 o 8 years old siguro? Ang naaalala ko lang e ung pinagtahi ako ng lola ko ng gown. Mananahi ang lola ko at mga gowns ang forte nya. Ilang beses ko ding naisuot ung gown na ginawa nya para sa akin, dahil sobrang ganda naman kasi. Ang bata ko pa, naka one-shoulder gown na ko, haha. Naalala ko pa na lagi kong pinaglalaruan ung mga beads kapag sobrang bored at pagod na ako kakalakad at kakatayo.

Last time na umuwi ung mga magulang ko sa Pinas, nahanap nila ung gown na ginamit ko nung nagsagala ako. Hindi ko akalain na makikita ko ulit ung gown at nasa maayos na condition pa ito. Inuwi ng nanay ko ung gown ko, at kahapon, nakuha ko na sya.

Kung 7 o 8 years old ako nung ginamit ko ung gown, roughly 25 years old na ung gown.

At syempre, talagang nahanap ko ung picture na suot ko ung gown na tahi ng lola ko! Hay. Pwede siguro itong suotin ng future anak ko. 🙂

One thought on “Sagala

Comments are closed.