Loner si Mimay

Tinanong ko ung bestfriend ko kung kelan pa ako naging loner.

Naglunch kasi ako magisa, at kahit na pwede naman akong magaya sa mga katrabaho ko na maglunch, mas pinili ko na magsolo na lang. Hindi naman ako ganito noon. Ako ung tipo ng tao na laging gusto e may kasama kahit na anung gawin. Lagi akong part ng malaking group o hindi ako nawawalan ng kasama lalo na na kapag maglulunch break. Hindi na din ako nageeffort masyado na makipagkaibigan. Mabibilang na lang ung mga kaibigan ko na I still keep in touch with. Ewan ko ba, simula ata nung kinasal ako, naging introvert na ko. Alone time, me time. Lalabas ako, kung hindi pamilya ko ang kasama ko, kadalasan si Robert. Well, di pala kadalasan, sya pala ang kasama ko palagi.

I think it comes with age.

Yan ang reply sa akin ng kaibigan ko. Dahil nga kaya tumatanda na ako kaya ako naging loner? Ano ba ang ibig sabihin ng loner? Ayon kay Google, Loner – a person who prefers not to associate with others. Umm, true. I go to work, do my job, eat lunch alone and go home. Madaldal ako dati e. Kahit anong topic, sige lang, usap tayo. Pero ngayon, nah. Hindi na ako nageeffort magsmall talk. May nabasa din ako na during your 30’s daw, mas kilala mo na ung sarili mo at mas kumportable at kampante ka na sa buhay. I guess medyo tama sila.

Masaya na ko sa apartment, kasama ang mga aso at ibon. Ung manonood lang ng tv kasama si Robert. O kaya lalabas kaming dalawa, manonood ng sine o kaya kakain. O kaya magddrive lang kahit na saan tas lakad-lakad. Hindi na din ako pinipilit na maghangout kasama mga magulang ko. Kuntento na ako sa ganun lang. Nakakapanibago lang. Hindi naman biglaang introvert na ko. Medyo gradual naman ung change. Mas nageenjoy lang siguro talaga ako na magisa o kaya kasama ung mga taong kakilala ko na. Ung alam na ang ugali ko at hindi na ung getting to know stage ulit.

Oh well. Kailangang tanggapin na ok lang ung ganito. Ok lang Mimay. Tumatanda ka lang.

2 thoughts on “Loner si Mimay

Comments are closed.