10 years in service

Dito sa trabaho, may mga name plates bawat office. Names plates para malaman kung sino ung nago-occupy nung office na un. Apat kaming nagshe-share ng office kaya naman apat din ang name plate na nakalagay sa may gilid ng pintuan namin. Black ung kulay ng name plate, puti ung letters. Carme Pena ung nakalagay sa name plate ko. Wala ung tilde sa name plate, wala ding tilde sa ID ko. Pe-na tuloy ang akala nilang pronounciation at hindi Pen-ya.
Sa tuwing naglalakad ako sa hallway, papunta man ako ng cafeteria o CR, lagi kong tinitingnan ung mga name plate na sa labas ng mga office. Color-coded din kasi ung mga plates. May black, blue, green at orange. Depende sa kulay, un ung nagi-identify sa years of service. Blue, 5 years. Green, 10 years. Orange 20+ years. Black e para sa mga bagong empleyadong tulad ko. So far, apat na kulay pa lang ang nakikita ko pero I’m sure may iba pa.

Plano kong tumagal dito sa trabaho. Ok ang benefits at madaming bakasyon. Off ako parati ng 1-2 weeks for Christmas Break tapos off din ng Thanksgiving. Weekends off tapos walang on-call. Ang sarap ng buhay diba? Ang kailangan ko lang gawin e pumasok Monday-Friday 8am-4:30pm. Napaisip ako sa sinulat ko. Nagbabago talaga ang priorities ng tao habang tumatanda o may nangyayaring pagbabago sa buhay. 5 years ago, I didn’t care kung pumasok ako ng weekend o may pasok ako ng holidays. Ok lang sa akin na maglogin at magtrabaho ng midnight hanggang alas-kwatro ng madaling-araw. Overtime? Sure. NagOTY pa nga ako e. Travel for work? Sign me up. Wala akong ibang iniisip. Ang priority ko lang noon e sumweldo, magtravel, gumala kasama ang mga kaibigan. Syempre, makahanap ng boyfriend.

Ngayon, big deal na sa akin kung kailangan kong magtrabaho ng weekend. Pagpatak ng 4:30pm, uwian na. Ayoko na ng overtime. Paguwi ng bahay, hindi na ako nagche-check ng work email. Mas naeenjoy ko na ung holidays. Ang laking pagkakaiba. Ngayon, mas priority ko na ang malinis na bahay, pagluluto, paglalaba at syempre oras para sa asawa ko. Nakakapanibago ngayong naiisip ko ito. Mula sa pagiging workaholic at traveler, ngayon isa na akong maybahay na nagtatravel pa din once in awhile, hehe.

33 years old na ko ngayong taon. 43 in 10 years. So kung papalarin at magustuhan ko dito sa work, at magustuhan din nila ang performance ko, magkakaroon ako ng green name plate, kung saan nakalagay ang pangalan ko tapos sa ilalim, 10 years of service. May sariling office na din siguro ako. At baka by that time, mapalagyan ko na ng tilde ung pangalan ko.

3 thoughts on “10 years in service

Comments are closed.