Lagnat

Dalawang araw na akong absent sa trabaho. Wednesday pa lang ng hapon, maaga na akong umuwi galing trabaho dahil masama na ang pakiramdam ko. Ngayon, Biyernes na, hindi pa din ok ang pakiramdam ko.

Nahihilo, ubo, sipon, mainit na pakiramdam. Wala akong ginawa maghapon kundi ang matulog, kumain at matulog ulit. Kahit naligo na ko, masama pa din ang pakiramdam. Buti na lang at may Facebook na aliwan. Pero sumasakit naman ang ulo ko kapag nasosobrahan na sa pagbabasa. Lahat naman ng sobra, masama.

Nakahiga ako ngayon habang ginagawa itong post. Katabi ang dalawa naming aso. Tulog pareho. Bibig ang gamit sa paghinga dahil barado ang ilong. Naluluha ang mata, napapapikit. Baka matulog na lang ulit ako.

Hay. Tinatablan pa din pala ako ng sakit. Akala ko kapag matanda na, immune na. Pero eto ako, kakainom lang ng gamot, may ice pack sa ulo. Hindi tuloy ako makakabisita sa pamilya ko this weekend. Mahirap nang mahilo sa byahe at baka mahawa pa sila sa akin.

Buti na lang nagrelease ng bagong kanta si Ed Sheeran. Pampa-ok ng araw. Sana umokay na pakiramdam ko.