Trabaho lang

Naalala ko ung sinabi sa akin ng kaibigan ko. “You can’t control what they do or feel Carme, only you can control your feelings and actions.”

Tama nga naman sya. Hindi ko naman maco-control kung ayaw akong kausapin nitong ka-team ko. Hindi ko din naman kontrolado kung kelan nya feel makipaginteract sa akin or kung buong araw kaming di maguusap. Ang kaya ko lang kontrolin ay ang sarili ko at kung paano ko iha-handle ang sitwasyon.

Masyado lang akong nasanay na sa tagal kong nagtatrabaho, sa loob ng 12 years, never pa akong naka-encounter na katrabaho ko na hindi ko nakasundo. Feeling ko ok naman kami, pero paano ko mapapatunayan yan kung di naman kami naguusap. Dadaan ang araw na wala kaming sinasabing kahit ano sa isa’t-isa. Kahit work related na tanong, hindi kami naguusap. Talk about teamwork diba?

Ako lagi ung nauunang kumausap sa kanya. Kapag hindi, eh walang mangyayari. Ako ung tipo ng tao na madaldal. Mahilig magcollaborate. Mahilig makipagkwentuhan. Kaya sobrang naninibago ako.

Naisip ko din naman na baka ako ung problema. Baka may nagawa ako kaya hindi nya ako kinakausap. Sabay kami halos nagstart dito sa trabaho, kaya halos pareho kami ng task. Nung una naman, naguusap kami pero pagtagal, wala na. Baka nga may nagawa ako. Gusto ko syang tanungin pero paano kung mali ang hinala ko? Eh di naglabas ako ng conflict o drama sa trabaho kahit wala naman.

Eh paano kung tama ang hinala ko? Paano kung inis o may galit sya sa akin? Paano ko iha-handle yan? Syempre magsosorry ako pero magiging awkward na sa trabaho. Ayoko naman ng ganun.

Hay, oh well. Tahimik na lang siguro Mimay. Gusto ko naman itong ginagawa ko. So, ko-kontrolin ko na lang ung sarili ko. Kebs na lang. Basta trabaho lang.

3 thoughts on “Trabaho lang

Comments are closed.