Benign

December 2016 yung huling post ko tungkol sa Endometrial Polyp at ung nangyari sa surgery ko. March 2017 na, ang dami nang nangyari.

Matapos ang surgery ko, nalaman ng OB ko na may Acute Hyperplasia ako. Pero para daw makasigurado, nirecommend din ng OB ko na magpasecond option, sa isang oncologist. Niresearch ko kung sino ung oncologist, nawindang ako nung nalaman ko na para sa cancer pala ang mga doctor na un. Hindi ako masyadong sakitin nung bata ako kaya family doctor lang ang kilala ko. Tinawagan ko ung doctor at nagpaschedule ng appointment. Mas mahirap magschedule ng appointment sa isang oncologist. May form pa na ifi-fill up, may questionnaires at itatanong kung sinong doctor ang nagrecommend. Siguro kasi hindi lang ito outpatient doctor lang.

Naset ung appointment that December din. Nameet namin ni Robert ung oncologist, inexplain nya kung ano yung current diagnosis ko. May acute hyperplasia daw ako. Yun e dahil sa sobra sobra ung pino-produce na estrogen ng katawan ko. Kaya daw sobra ung pagbe-bleed ko. Usually daw kapag may acute hyperplasia, hysterectomy na ang solution. Pero dahil bata pa daw ako at gusto pang magkaanak, gagamutin. May risk nga lang, Endometrial cancer na ung susunod na stage from acute hyperplasia. So in the future, kailangan ko talagang magpa-hysterectomy.

Natapos ung 30 minute visit, nagschedule ulit ng surgery ung oncologist. Kaya naman 3 days bago magChristmas, nasa ospital na naman ako, bangag sa anesthesia. Parehong result ang nakuha ng OB ko at oncologist, may hyperplasia nga ako. May nireseta na gamot ung doctor, kailangan kong inumin, dalawang beses, araw-araw. Kaya mula December hanggang ngayon, iniinom ko ung gamot.

A week ago, nagpunta ulit ako sa oncologist. After 3 months kasi, kailangang magpacheck up. Same appointment, biniopsy ako. Anak ng tukneneng. Napakasakit. As in di ako makatayo. Buti na lang at andun si Robert, may moral support. Sabi nung doctor, malalaman ko after one week ung result.

Kanina, nakausap ko ung nurse. Grabe ung tuwa ko nung nalaman ko ung balita. Benign. Wala na daw ung hyperplasia cells. Ituloy ko lang inumin ung gamot at after 3 months, doctor visit ulit, biopsy ulit.

Hay, super good news. Sobra sobra ung pasasalamat ko. Hindi na ako magaalala sa ngayon, dahil ok ang lahat.

2 thoughts on “Benign

Comments are closed.