Depressed ata ako

Kamusta ka?

Ang tagal ko ding hindi napapadpad dito sa blog ko. Sana ay nasa mabuting kang kalagayan habang binabasa itong post ko. Uulitin ko, kamusta ka? Ok ka naman ba?

Ako? Medyo hindi ok e. Nito ko lang napagtanto na baka depressed ako. Wala na akong ibang ginawa maghapon, kahit sa trabaho, kundi magEverwing. Hirap akong magfocus at medyo may anxiety attack ako bago pumasok ng trabaho. Ayokong pumasok ng trabaho, hindi dahil ayoko ng ginagawa ko pero dahil sa mga katrabaho ko. Pero hindi tungkol dun ang post ko ngayon at ayoko din na magsulat tungkol sa kanila.

Habang nagbabasa ako about depression, may symptom na “loss of interest or pleasure in activities”, Napaisip ako. Hindi na ako nakakapagsulat o basa. Panay Everwing na lang. Kaya eto ako, pinipilit baguhin ang routine ko. Kailangang paganahin ang utak ko. Hindi pwedeng walang ginagawa. Ito lang ang paraan para hindi ko maisip ang pagkadepress.

Ayokong uminom ng gamot para sa depression, hindi ko gagawin un. Hindi naman ito ung unang beses na sobrang nalungkot ako. Kailangan ko lang hanapin ulit ang sarili ko, gawin ung mga ginagawa ko dati at piliting wag masyadong isipin ang ibang tao. Life is good.

Life is so good.