RIP iPod Classic

Hindi ko na nagagamit ang iPod Classic ko. Hindi na din ako masyadong nakikinig sa music. Dati rati kasi, kahit sa bahay, nagpapatugtog ako ng music hanggang sa pagco-code sa trabaho. Ngayon, tuwing nagddrive na lang ako.

Nung nakita ko ung iPod classic ko, dali-dali ko syang chinarge. Mukhang nagcha-charge naman. Mukhang magagamit ko ito uli. Sayang ang 3000+ songs, at 3 movies na nakasave sa iPod ko. After 30 minutes, chineck ko ulit, full na ang battery. Ok, weird, pero baka nga full battery na. Tinanggal ko sa pagkakacharge tapos ay nagpatugtog ng isang kanta. Wala pang ilang segundo, nagred na ang battery icon at tuluyan na itong namatay ulit. Hindi na natapos ung kanta.

Sinubukan ko ulit i-charge, ganun ulit, naggreen ang battery icon pero pagkatanggal sa pagkakacharge, balik pula.

Hay.

Mukhang patay na ang iPod Classic ko.

Salamat sa lahat.