Signs

Naniniwala ka ba sa signs?

Hay, young love.

Kapapanood ko lang ng Kwentong Jollibee, “Signs”. Biglang bumalik ung high school at college memories. Grabe naman kasi ako kung makahingi ng signs, parang inangkin ko na lahat ng sign para lang malaman ko kung crush din ba ako ng crush ko. Yung parang ginawa dyan sa video, “Ung pangatlong lalaki na dadaan, sya na yung The One”, yup, tried and tested na yan, hehe. Hindi nga lang maganda ung outcome, pero looking back, nakakatawa at nakakakilig pa din.

Napapailing at ngiti na lang ako ngayon. Napakababaw ko pala noon. Konting matupad lang ung sign ko, sobrang pinanghahawakan ko na. May crush ako nung first year college, kaklase ko. Magaling syang sumayaw at makulit. Parang madami atang mag crush din sa kanya noon. One day, he did something nice for me, dun na ko natuwa talaga sa kanya. Since that day, lahat na lang ng signs hiningi ko. Pati ung pagpray na sana sabay kamingĀ  makauwi, na 99.9% e possibleng mangyari, pinatos ko na. Every little detail, sa pagtingin, or pagdaan nya, ginawa kong sign na gusto din nya ako. It even can to a point na pati license plates e nadamay pa. Ung license plate kasi sa Pinas, three letters at three numbers. So kapag pare-pareho ung numbers dun sa license plate, may chance na maginteract kami. Since then, lagi na kong tumitingin sa mga plaka.

Di ko alam kung bat ginawa ko ito noon. Pero isa lang ang naiisip kong reason — hope. Asking for a sign, gave me a little hope na may magandang mangyayari. There is no logic behind this but it worked for me. Hopeful na mapansin din ako, na magkatotoo ung inaasam ko.

Nakakakilig talaga, ano ba. Naging jowa ko naman ung crush ko nung college. First jowa. Di tumagal, pero ok na din. Looking back, I’m glad to have something that I can hold on to, kahit na sign lang naman ito.