Parang may something

Hindi ko ma-explain pero simula pa last week, parang hindi na ako laging mapakali. Hindi na nawala ang pag-aalala ko. Parang lagi na lang may kulang. Stressed na ako. Hindi ko alam kung paanong nakakapagtrabaho pa ako ng maayos. Parang kahit na ang dami ko nang nagawa, may kulang pa din.

Parang may something kasi hindi ako mapalagay. Andyan ung pagaalala ko tungkol sa trabaho tapos ung kasal pa. Sobrang daming pagbabago, nakakaoverwhelm. Hindi ko alam kung tama pa ba ung mga nagagawa ko. Hopefully naman tama.

Hay Mimay. Hindi ko alam kung bakit ganito ang pakiramdam ko. Gusto ko nang matapos tong pagpaplano ng kasal. Sana magkatrabaho na din ako.

Just for the time being

Hindi ko na alam ang gagawin ko. Buong linggo na itong report na ginagawa ko. Lagi na lang may bagong requirement na kailangang idagdag, walang katapusang code change at araw-araw na meetings. Hindi ko na kayang magtrabaho pa pero sa kabilang banda, gusto ko naman itong busy ako sa trabaho, challenging. Rewarding din sa pakiramdam lalo na kapag nasosolve ko ung gusting mangyari nung client. Pero grabe, pagod na ako. -_______-“

May interview ako nung isang araw. Isang oras na phone interview. Yup, job hunt ulit dahil lilipat ako ng ibang city. Married life na e. Gusto kong matanggap ako dun sa trabaho. Mukhang ok na ok e. Sa sobrang kagustuhan ko, ayun, tinawagan ko ung naginterview sa akin. Nagiwan ako ng voicemail, nagsabi na Thank you sa oras, blahblahblah. Kaso, mali ung timing, nablanko ako. Hindi ko alam kung ano pa ba ung ibang nasabi ko. Halata na kabado ung boses ko. Leche. Napasama pa ata ung pagfollow up call ko. Gusto kong umiyak. Gusto kong batukan ung sarili ko. Dapat sinulat ko ung mga dapat kong sabihin. Pero hindi ko ginawa. Hay.

Hay.

Nagreply naman ung manager, inemail nya ako para sabihin na natanggap nya ung kind voice mail ko. Hindi na din siguro masama.

Pero ewan.

Dala na din siguro ng stress dito sa trabaho, tapos job hunt tapos idagdag pa ung mga ibang changes na mangyayari sa mga susunod na buwan. Overwhelming. Up until now ok naman ako eh. Kinakabahan ako ngayon. Paano kung hindi ako makakuha ng trabaho agad? Napapagod na ako pero kasama naman nga yan sa buhay. Gusto ko na lang matulog ng mahaba.

Hay.

Pwede bang matulog na lang?

this is me

I complain a lot. I feel that something has to be always happening in my life that will keep it interesting. I hate being bored. I love other people’s company. I secretly like the attention that they give me but I am also shy. I can be loud. I can be timid. I love drama. I love sleeping in. Dancing is my life. Constantly going out and socializing keeps me sane. I love to travel, I love talking to my friends even though they don’t have anything to say to me. I would bug them and will not get a reply for hours, even days. I love too much. I have so much love to give that it sometimes hurt. Why can’t I get the same love that I give? Why am I even trying so hard? I care too much. I get hurt a lot.

I love to write. At some point though, I hated writing. I hated the fact that I can’t write about anything. My muse left me years ago and she decided not to come back. Now I am struggling. I feel like I have all these things to say but I can’t convey it. Like right now, I don’t even know what the whole point of this post is. Maybe because it has been awhile since I wrote something. Writing shouldn’t be a chore. It should come from the heart, from my experiences. I want to share my feelings like how I see gold and white dress and how puzzling it is that people actually thought it was a different color. How I miss my fiancé so much. I won’t see him until next week because I am here in California for work. I want to write how happy I am with my relationship right now, how I love him so much. How I never thought that I’ll ever find a guy who is just so awesome and he loves me. The real me. Even though I am everything that I wrote here. I love him and I feel so lucky.

I am bored.
I am all of the above.
I am a work in progress.
I found the love of my life.
I do care too much.
I still don’t know what this post is for.
I just want to write.

Salamin

Napatingin ako sa salamin kanina. Pinilit tanungin ang sarili kung ano nga ba ang gusto ko. Pero wala akong nakuhang sagot, hindi ko alam kung ano ang sagot. Hindi ko alam kung gusto ko bang marinig ang isasagot ng nasa salamin.

Ako ung tipo ng tao na kapag may plano na, un na. Wala nang mababago. Hindi pwedeng mabago. Hindi ako makatanggap ng pagbabago. Change, ayoko nun. Hindi ko kaya ung madaming pagbabago. Hindi ko kaya ung “We’ll see what happens. Let’s play by ear.” Nagpapanic na ako nyan, nalulungkot.

Pero ganyan na ang buhay ko ngayon. Hindi na makapagplano ng long term dahil dumedepende na ang mga desisyon ko sa buhay sa ibang tao. Depende kung saan sya mapupunta. Depende kung uulan sa Sabado. Depende sa akin, kung ano ang gusto ko. Pero un nga eh. Hindi naman din nasusunod ang gusto ko. Dahil kung ano ung maging desisyon nya, un na din ang desisyon ko. Un na ang mangyayari. Mali ba?

Mukhang alam ko na ang sagot sa sarili kong tanong.

Ayoko nang tanungin ung tao sa salamin.