Namiss kong bigla mga kaibigan ko

Hay. Namiss ko naman bigla mga kaibigan ko.

Walong taon na din mula nung nagmigrate ako dito sa States. Simula noon, nasanay na ako na laging nasa maliit na screen lamang kapag may picture taking. Screenshot para lang masabing andun ako, kasama nila, in spirit o via Skype.

Dalawa sa kaibigan ko nung college eh may asawa’t anak na. Ngayon nga eh binyag nung anak ng isang barkada ko kaya nagkita-kita sila. Kaya din ako tumawag. Salamat talaga sa technology kasi kahit malayo ako, nakakabalita pa din ako sa kanila. Nakakamiss lang talaga ung as in personal na nakikita ko sila, nakakausap. Basta ung feeling na andyan sila, isang tawag lang, pwede nang magkita.

Oh well, katulad nga ng sabi ko, nasanay na din ako. Kahit naman malayo, alam ko na andyan sila para sa akin, at ganun din ako sa kanila. Hay. Nagdadrama na naman ako, hehe.

Nga pala, isang taon ang pagitan ng mga litrato sa itaas. Ang iksi pala talaga ng buhok ko last year. Ampogi ko lang.

fiyansey

isang paguusap sa chat:

tol, alam mo ba si lovelyn, may fiancee na!
talaga tol? sino at kelan pa?
oo, si papa ronald, ung kababata nya.
sosyalin. eh pano na si papa mike?
wala na. nagpunta nga ung dalawa sa EK last last week eh..
taray ha. fiancee na talaga. 🙂

isa ulit tsismisan sa chat:

tol, balita ko, may fiancee na si mahalyn.
oo tol, kinikilig nga ako dun eh. teka, sino nagsabi sayo?
si sheila. hahaha. kitams, sya pa pala mauuna sa atin. kelan daw kasal?
2 years from now pa daw eh. at least di ba di na sya magiging old maid. hahaha.
itetext ko nga un, sabihin ko, next year na pakasal, para makauwi ako. 😀

kita mo nga naman. may fiancee na ang isa kong barkada nung college. umaariba ang love life ng lola ko. nagulat talaga ako sa balitang yan dahil di ko alam na nagkakamabutihan na pala talaga sila nung boylet nya. kasi naman, nung huling kausap ko sya, ibang lalake ang pinoproblema nya.

naalala ko tuloy ung agreement naming magkakabarkada nung college. April 25, 2005. fresh grads. last bonding moment namin un as “bum”, dahil alam naming magiging busy-busyhan na kapag nagtrabaho na kami. ewan ko kung sino ung nakaisip, pero magkaroon kami ng official es2pidas agreement. napagkasunduan namin na magbigay ng 2% ng salary namin na idedeposito sa banko kapag may trabaho na kaming 5. matatapos lang maghulog ng pera, kapag 4 sa amin eh nagpakasal na, tapos dun sa huling ikakasal mapupunta ung pera. ayos sa plano. lahat kami pumirma sa kontrata. nangyari ba? hindi. dahil lumipad ako dito sa Amerika at dahil na rin siguro wala pang may bank account sa amin noon. 😛

natatawa ako sa tuwing naaalala ko ung agreement namin na un. kasi naman, si lovelyn ung sinasabi naming huling ikakasal sa amin. sya rin mismo ung nagsabi na sya daw ung huli talaga. pero, kita mo nga naman sya pa itong mauuna sa aming 5. landi talaga ng kaibigan ko. 😛 hehehe. ako? pangilan ako sa ikakasal? hmmm.. kung hindi pangalawa, pangatlo. ewan kung bakit, un ung prediction ng mga barkada ko sa akin.. eh kitang wala akong boyfriend nun.. hehehe, mukha ba akong marrying type? 😛

pero.. pano nga kaya kung natuloy ung agreement namin, kanino kaya mapupunta ung pera kapag nagkataon? 😐 baka sa akin ah.. swerte na nakakalungkot naman un. hehehe. pero, at least, makakauwi ako ng Pinas ng apat na beses. 🙂 not bad.

tinext ko na ung kaibigan ko. iniintay ko na lang ung reply nya, baka matuloy nga na next year ung kasal nya, sisimulan ko nang magipon para makauwi. 🙂